#REPOST (This is just a repost, what can you say?)
Sorry to say this, pero parang si Pangulong Noynoy pa yata mismo ang sumisira sa legacy ng kanyang mga magulang. Nakalimutan na ba niyang Aquino ang nagpalaya sa bansa natin laban sa diktaturya noon at nagbalik ng demokrasya na ating tinatamasa sa ngayon? Sa pagpapatupad ng Cybercrime Law na ito, hindi ba naiisip ng Pangulo na unti unting sinisir
a ng batas na ito ang sagradong apelyidong tinataglay nya? Aquino din ba ang kukuha sa atin ng karapatang magpahayag ng damdamin na ipinaglabang ibalik ng mag-asawang Aquino dati? Taliwas ito sa ipinangako ni PNoy na tayong mga mamamayan nya ay ang kanyang BOSS bagkus tayo pala ay aalipin din. Nasaan ang matuwid na daan na ating tatahakin patungo sa kaunlaran kung baluktot naman ang kaisipan na ginagawa ng ating pamahalaan? Ipaglaban ang ating karapatan! Please Say NO to Cybercrime Law.
1987 CONSTITUTION OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
1987 CONSTITUTION OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Comments